Lumaktaw sa pangunahing content

Paano mag move on at maging masaya


Paano Mag move on??

Hulaan ko?? Broken hearted ka noh? Nasaktan ka ng sobra dahil niloko ka o iniwan ka? Tama?? Huwag kang mag alala kaibigan hindi pa katapusan ng mundo. Habang may buhay may pag-asa. Punasan muna yang luha sa iyong mga mata dahil sa oras na ito, ituturo ko sa iyo kung paano makaka move on sa walang hiyang ex muna yan. Sundin mo lang ang mga tips na ito at tiyak hindi ka lang makaka move on magiging masaya ka pa. J

1.       Tanggapin mong wala na siya sa buhay mo.

Huwag ka nang umasa na magkakabalikan pa kayo dahil habang umaasa ka mas nasasaktan ka at mas tumatagal ang pag move on mo kaya kung gusto mong maging mas mabilis ang paglimot mo sa kanya alisin muna ang salitang “What if”. Talikuran muna ang nakaraan at harapin ang katotohanan, kaya ka nya iniwan dahil hindi nya nakita ang iyong kahalagahan.



2.       Huwag matakot maging single.

Natatakot kang maging single? Natatakot kang wala ng magtatanong sayo kung kumain kana ba? O kung kumusta ka na? Huwag kang matakot, anjan naman sila bestfriend, cousin, family and most of all si God. Pwede kang maging masaya kahit single dahil alam mong may nagmamahal sayo at hindi ka iiwan. Kapag si ex bumalik huwag munang balikan dahil hindi ka naman laruan para anytime paglaruan.



3.       Itago ang mga bagay na nagpapaalala sa kanya.

Kung may binigay sya sa iyong mga bagay na palagi mong nakikita araw araw itago muna yan besh kasi maiisip mo lang siya at araw araw mong mararamdaman ang sakit na dulot ng kanyang pagkawala. Mas mabuti ng wala kang maalala at wala kang alam tungkol sa kanya para hindi mo rin maalala na sinaktan ka nya.



4.       Huwag e stalk ang ex sa social media.

Alam ko sobrang namimis mo siya gusto mong alamin kung kumusta na sya, kung buhay pa ba sya, kung humihinga pa ba sya, kung may bago na ba sya. Alam kung nangangati yang mga kamay mong e stalk sya at alam ko rin besh na sobrang hirap pigilan mas mahirap pa sa pagpigil kung naiihi ka J hahhaha, Pero besh isipin mo habang ini estalk mo sya mas lalo ka lang masasaktan para kang kumuha ng bato at ipinukpok sa sarili mo! Oh diba?? Katangahan besh!!! Katangahan!!! Kaya kung gusto mong maka move on ng mabilis, think before you click! E unfollow muna sya para hindi mo Makita yung pagmumukha nya. Huwag mo lang e block besh nagmumukha ka kasing guilty e unfollow mo lang. Hindi ka binabayaran ni ex para maging stalker nya dahil kung binabayaran ka nya sigurado sa ngayon milyonaryo kana!!



5.       Magpaganda o magpa gwapo.

Huwag kang mag kulong sa kwarto at umiyak ng umiyak sa kwarto mo besh! Gusto mo bang mas lalong iisipin ng ex mo na deserving ka para iwanan dahil ang pangit pangit muna sa kakaiyak? Ayaw mo yan diba kaya bangon! At ilabas ang ganda pwede kang mag pa putol ng buhok at bumili ng mga bagong outfit para sa pagbabago. Kumain ng tama at mag exercise para maging healthy at maging mas kapansin pansin ang iyong pag blooming.



6.       Gumawa ng mga activities na mag e enjoy ka.

Para makalimot kailangang mag bisi bisihan ka. Pwedeng lumabas ka kasama ang mga kaibigan at mamasyal kayo o di kaya mag food trip, Road trip at lahat na ng trip gawin mo. Pwede mo ring ilagay sa schedule ang mga bagay na hindi mo pa nagagawa tulad ng pag akyat sa pinakamataas na bundok ng pilipinas ang Mt. Apo, kung kaya mo lang namang gawin suggestion lang J. Kayanin mong maging masaya na wala siya dahil yung saya hindi naka depende sa kanya, yung saya naka depende kung paano mo kinayang talikuran ang lungkot ng mag isa na wala sya.



7.       Ilabas at gamitin ang iyong mga nakatagong talento.

I know besh you are really disappointed kasi nga naka feel ka ng rejection yun bang feeling mo you are worthless at ang pangit pangit mo kasi may taong nag reject sa iyo, iniisip mong may kulang sayo kaya ka iniwan kaya pinanghihinaan ka ng loob na maging masaya ulit kasi lahat na ng negative ay naiisip mo. Well its time for you na kalimutan yan at maging optimistic at ang pag discover ng talent ay makakatulong para magkaroon ka ng tiwala sa iyong sarili at maging masaya ulit. Paglalaro ng Basketball, mag painting, pagsasayaw, pagkanta at pagtugtog ng gitara ang daming talent na pwede mong paunlarin sa iyong sarili. Iniwan ka man nya at sinaktan ang mahalaga alam mo sa sarili mong ikaw ay may halaga.




Mga Komento