Paano Mag move on?? Hulaan ko?? Broken hearted ka noh? Nasaktan ka ng sobra dahil niloko ka o iniwan ka? Tama?? Huwag kang mag alala kaibigan hindi pa katapusan ng mundo. Habang may buhay may pag-asa. Punasan muna yang luha sa iyong mga mata dahil sa oras na ito, ituturo ko sa iyo kung paano makaka move on sa walang hiyang ex muna yan. Sundin mo lang ang mga tips na ito at tiyak hindi ka lang makaka move on magiging masaya ka pa. J 1. Tanggapin mong wala na siya sa buhay mo. Huwag ka nang umasa na magkakabalikan pa kayo dahil habang umaasa ka mas nasasaktan ka at mas tumatagal ang pag move on mo kaya kung gusto mong maging mas mabilis ang paglimot mo sa kanya alisin muna ang salitang “What if”. Talikuran muna ang nakaraan at harapin ang katotohanan, kaya ka nya iniwan dahil hindi nya nakita ang iyong kahalagahan. 2. Huwag matakot maging single. Natatakot kang maging single? Natatakot kang wala...
Paano mag move on at maging masaya